AGOSTO 25, 2014. Nagtungo ako sa Luneta para pumirma laban sa pork barrel. Mula sa UN Ave. Taft Station kung saan ako bumaba ng LRT papunta sa Pasay booth kung saan ako pumirma ay inirekord ko ang mga nadaanan at nakita ko hanggang mahanap ko ang lugar. Sa pagitan ng 10.30 n.u. at 12n.n. ang nahagip ng kamera ko — mga bata, matanda, may kapansanan at wala, mga estudyante, propesyonal, mga madre, manggagawa, aktibista, atbp. Wala na ang mga celebrities at mga personalidad na karaniwang nakikita sa mga peryodiko at TV kasi nga, magtatanghali na nang dumating ako. Sabagay, di naman sila ang ipinunta ko dun. Wala din naman akong kagrupo. Mag-isa lang nang magpunta ako dun. Pagkapirma’y umuwi na ako agad. Matindi man ang init ng araw ay balewala sa mga dumalo sa pagtitipon.
Yung banda ng Kamikazee nga pala ang tumutugtog at kumakanta ng oras na yun kaya lang di na ko sumingit para lumapit sa stage. Kaya ayun, kanta lang meron…
Sana’y pumirma na rin ho kayo para sa labang ito!!!
Please click to read the summary and full text of the People’s Initiative Bill Abolishing the Pork Barrel Syster: http://www.act-teachers.com/summary-and-full-text-of-the-peoples-initiative-bill-abolishing-the-pork-barrel-system/