
Taghoy ng Inang Nangungulila
May 12, 2020Mayo 10, 2020. Linggo, Mother’s Day. Nainterbyu ko si Bienvenida “Aling Idad” Tejada, 85 taong gulang. Araw ng mga Ina pero sa araw na yun ang pangungulila sa anak na mentally-challenged ang naibulalas nya. Bukas, Mayo 13, saktong isang buwan mula nang mawala si “Mameng.” Kilalang-kilala ang mag-ina dahil sa kalye ng J. Fernando, Barangay 77 sa Pasay, sila ang mga pangunahing tauhan. Homeless ang dalawa kaya kung saan-saan sila makikitang sumisilong o lumulugar kasama ang alagang aso na lalaki pero “Tita” ang tawag ni Aling Idad at mga pusang naging gala na dahil iniwan ng mga nag-alisang owners ng mga ito ay kanilang kinalinga. Ironic pero sa kanila nakatagpo ng pamilya ang mga iniwang mga hayup.
Sa ngayon, patuloy pa ring ang pag-asam ng isang ina sa pagbalik ng anak na minsa’y nag-aalala na rin at di maiwasang isipin na baka ito’y wala na o di kaya’y pinigilan sa Mental Hospital kung saan minsan ng ang anak ay pinagamot rin. Hangad ng bidyong ginawa ko na maipaabot sa mas maraming tao ang kalagayan nila; nagbabakasakaling isang araw may taong makakilala at maibalik si Mameng sa Ina.
Ngayong gabi, napag-alaman kong kaarawan pala ni Mameng noong Linggo, Mayo 10. Coincidence?
Leave a Reply