
In Changing the Film Form, Film Sense Has Changed_Manila Kingpin
January 17, 2012ABANGAN NATIN ANG INTERBYU KAY TIKOY NI JIM LIBIRAN TUNGKOL SA KANYANG SALOOBIN SA GINAWANG PAKIKIALAM SA MANILA KINGPIN: [click below to view]
“Tayo ang gumagawa ng panaginip para sa tao. Pag hindi natin na-recognize yun, walang mangyayari sa atin!” — Direk Amable Tikoy Aguiluz Vi
———
Note ko lang na kaya daw nire edit ang pelikula ay para improve ito. Sa patuloy na pakikipaglaban ni Tikoy para sa Director’s Cut, obvious na hindi naimprove ang pelikula. Otherwise, tumahimik na lang siya at nag enjoy sa glory ng pagiging Best Director ng Producer’s Cut.
SIMPLE lang, pero GRABE kasi ang epekto ng Manila Kingpin “re- editing.” Aktuali, wala pa ngang 20% yung ginawa nila talaga e. Ano na lang yung 4 shooting days laban sa 36 shooting days of materials na inedit namin? Yung rough cut lang namin na 2hr 30min ang ginamit nila e. [Walang-kapawis-pawis di ba?] So andun pa rin yun form ng ginawa namin mula umpisa hanggang katapusan, tinabas-tabas nga lang para magfit sa kung ano man ang ideya nila ng BETTER FILM na siyang nagtanggal ng mga nuances na kailangan. Pagkatapos isiningit yun isang additional seq na kinunan nila, pinagbabalik o nilagay yung mga eksenang tinanggal namin, at pinaglalagyan nga ng kung ano anong visual effects at musik na di bagay sa visuals —- na malayong-malayo sa bisyon ni Tikoy laluna na yung pa-ending mula sa paglabas ni Asiong sa prison. In fact, yung funeral scene na finale ay nawalan ng malakas na impact dahil sa music at pag-alis sa mga eksenang kailangan bago ito. Best Film Editing? Para ano??? Mukhang may problema ang film appreciation senses ng judges sinuman sila at hindi naramdaman ang mga kakulangan o kasobrahan sa aspetong ito.
Overall, IN CHANGING THE FILM FORM, FILM SENSE HAS CHANGED. Narinig nyo na ba yang Film Sense at Film Form ni Sergei Eisenstein, yung Russian director at film theorist?
Sign the online petition: producers-release-the-directors-cut-of-manila-kingpin-the-asiong-salonga-story
Leave a Reply