h1

Mga Ani ni Gani_Take 4

February 12, 2010

Kahapon, ika-11 ng Pebrero, Huwebes, naganap ang isang maliit, intimate at masayang book-launching ng Collection Building: FILIPINIANA, ang ikaapat na volume ng Mga Ani ni Gani Series, isang koleksyon ng mga sinulat ng aking kapatid na si Dr. Isagani R. Medina. Para sa akin, iyon ay isang reunion, dahil nandun ang mga nakasama at nakakakilala sa kanya sa UP Main Library, mga kasamang historyan sa UP Dept of History, ilang kaanak namin at mga kaibigan ko.

Parang naging necro rites ang nangyari dahil sa mga papuring tinanggap ng aking kapatid mula sa mga tagapagsalita mula sa introduksyon ni Prof. Sally Arlante, University Librarian, sinundan nina Dean Vyva Aguirre ng UP School of Library and Information Studies (SLIS), Chancellor Sergio Cao, Direktor ng Cavite Studies Center na si Aquino Garcia na bumasa ng message in EPM Cesar EA Virata, Pangulo ng Cavite Historical Society, at ang mga nagsalita di lamang tungkol sa aklat kundi pati na rin sa husay at pagiging walking encyclopedia ng aking kapatid, tulad nina UP Press Director at historyan na si Dr. Malou Camagay, Dr. Rico Jose at Prof. Laura Samson ng Departamento ng Sociology at dating UP Press Director na siyang tumulong sa amin para maipablis ang Cavite Before the Revolution.

Showing ng "Isang Sulyap", isang home video ko tungkol sa aking kapatid na si Gani. Nasa inset L to R: University Librarian Sally Arlante, UP SLIS Dean Vyva Aguirre, Cavite Studies Director Aquino Garcia na nagbasa ng message ni EPM Cesar Virata bilang Guest Speaker at si Iyra at ako, caregivers ng libro

Syempre pa nagpataba sa puso ko ang mga sinabi nila dahil na affirm ang sariling paniniwala ko sa importansya ng pagpapablis ng kanyang mga akda. Sa pagbuhay ng kanyang alaala para din namin syang kahalubilo doon. Dagdag na dito ang pagpapalabas ng isang personal na short video docu na ginawa ko tungkol sa kanya, ang “Isang Sulyap” (2004).

Nasa inset (L to R): Fernando Escora [Book Designer], Abby Lazaro [NCCA Rep], Atty. Bert Sison [hilaw na kapatid], ako at mga pamangking sina Oye Bautista at Tingting Medina.

Salamat sa UP Main Library sa pamumuno ni Sally Arlante, Dean Aguirre at Iyra Buenrostro ng UP SLIS sa pag sponsor ng event, at sa National Commission for Culture and the Arts sa pagpablis ng aklat!

2 comments

  1. Congratulations at maraming salamat!
    Masaya ako dahil naisilang ang isang aklat na puno ng kabuluhan sa mundo ng librarianship at kasaysayan. Hanggang sa susunod na pagle-“labor”!🙂

    Good luck, God bless at lagi kong tatandaan ang sinabi ninyo sa akin na “libre ang mangarap at lahat ay posibleng makamit basta mag-pokus lamang.”


  2. Dalawang taon na pala mula nang isilang ang Collection Building: Filipiniana! Sa ngayon, ay baka sakaling matupad na rin ang isa pa nating pangarap — ang IRM Library and Museum dahil may librarian nang talagang natokahan para tumutok dito…Harinawa!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: