h1

Collection Building: Filipiniana Lumabas Na!!!

December 22, 2009

Sa wakas, naipanganak na rin ang aklat ng aking kapatid— Collection Building: Filipiniana! Ito ay idineliver kahapon sa bahay. “One down!” Isa na lang volume ang natitira pa para matupad ang pangako ko sa kanya noong siya’y nabubuhay pa.

Ang aklat na ito—ikaapat na volume sa Mga Ani ni Gani Series— ay para sa mga Filipino librarians, kanino pa nga ba? Lahat ng mga artikulo (napablis man o hindi) na kanyang sinulat ay puro Filipiniana sympre pa!!! Adik sa Filipiniana ang aking kapatid dahil lahat ng tungkol sa Pilipinas ay inaalam nya o kaya’y kinokolekta. Nitong mga ilang buwan lang ang nakakaraan, may mga nakita pa akong koleksyon nya ng mga samut saring trivia tungkol sa Pilipinas na pinamagatan nyang “BELIEVE ME OR NOT.” Hindi ko isinasama sa pagpapublish ang mga trivia notes nyang napulot kung saan-saan dahil palabasa siya at mausisa, kaya malamang ibigay ko na lang sa UP Main Library o kaya’y sa Cavite Studies Center ang anupamang mahanap ko kapag hindi natuloy ang pangarap ko na magkaroon ng Isagani R. Medina Library & Museum. Isang van na ng mga kung ano-anong bagay at mga libro na naligtas sa sunog dahil nasa kabilang bahay ang mga ito ang naipadala ko na sa UP Library pagkatapos matupok ang bahay namin noong 1998.

Ngayon ay mas masaya ang Pasko ko dahil natapos ko na ang isa kong “misyon.” Mai book launch ito ang susunod kong target na sana ay maganap sa first quarter ng 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: