h1

Tinig ng Senyas

August 29, 2009

“TINIG NG SENYAS: pagbubuklod tungo sa pagpapanday ng isang makabuluhang pambansang patakaran sa wikang senyas” ay isang pulong na ginanap sa Pulungang C.M.Recto, Bulwagang Rizal (dating UP Faculty Center) noong Miyerkoles, ika-26 ng Agosto mula 1:00-5:00 nang hapon. Si Dr. Zosimo E. Lee, Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP-Diliman ang nagbigay ng pambungad na pananalita. Nang makita ko siya, inisip ko kung saan ko siya unang nakita. Matatapos na ang pulong nang maalala ko na kaya pala pamilyar si Dr. Lee ay dahil dumalaw siya noong 2004 sa burol ng aking kapatid na si Dr. Isagani R. Medina sa Our Lady of Sorrows sa kalye F.B. Harrison. Doon ko siya unang nakita at nakausap. Bilang Emeritus Professor sa Departamento ng Kasaysayan, kabilang si IRM sa kanilang kolehiyo.

Tinalakay sa pulong ang kasalukuyang problema ng mga Bingi sa Pilipinas na sumentro sa “pagpapanday ng isang makabuluhang patakaran sa wikang senyas,” bunga sa hindi pagkilala sa Filipino Sign Language (FSL) ng DepEd bilang pambansang wika at epektibong tulay ng komunikasyon ng mga Bingi at ang patuloy na paggamit ng Signing Exact English (SEE). Sinabi ni Dr. Therese Bustos ng UP Special Education Area na ang problema sa pagtuturo ay nasa level ng elementarya at mataas na paaralan dahil sa tertiary level ang mga importanteng institusyon ay gumagamit ng FSL bilang pagkilala sa importansya nito bilang identitad o pagkikilanlan ng mga Binging Pilipino.

Pulungang C.M.Recto, Bulwagang Rizal (dating UP Faculty Center)

Si Marites Racquel “Rack” Estiller-Corpuz na unang nagsalita ay nagpaliwanag kung bakit ang “Wikang senyas ay Yaman ng Pilipinas.” Tinalakay niya ang kasaysayan ng FSL na nagsimula pa noong panahon ng mga Kastila. Nagbigay rin sya ng mga halimbawa at nagkumpara sa kaibahan ng mga bago at lumang senyas. Naipakita nya ang kagandahan ng wikang senyas na katutubo. At sa huli ang pagkilala na dapat iukol sa FSL bilang wikang senyas ng mga Pilipino.

Si Dr. Liza B. Martinez, Direktor ng Philippine Deaf Resource Center, ang nagbigay ng pangalawang pananalita na pinamagatang “2009 SONA ng wikang senyas” habang si Representative Risa Hontiveros-Baraquel ng AKBAYAN Party List na nahuli sa pagdating dahil sa ibang commitment ay nagsalita rin at nagbigay pag-asa tungo sa pagpapatupad ng mga mithiin ng mga Bingi. (Ang bahagi ng kanyang mga sinabi ay i-a-upload ko sa Youtube kapag naconvert na).

Ang interes sa pag-aaral ng FSL ay lumalago. Ako, bilang dating mag-aaral ng FSL ay tunay na natutuwa para sa mga Bingi na dumarami na sa mga nakakarinig ang gustong mag-aral nito. Ito ay sa dahilang napakaganda at nakapa interesante ng wikang senyas bilang daan para makipag-usap sa kanila. Masaya kasi silang kasama at maraming mga mababait sa kanila. Wala silang ipinagkaiba sa atin kundi ang pagkabingi nila. Tayo lang mga nakakarinig ang gumagawa ng linya sa pagitan natin sa paniniwalang pagsasayang lang ang mag ukol ng oras para matuto ng kanilang wika para makipag usap sa kanila. Ngunit kapag lumaganap na ang pananaw na ang wikang senyas ay tulad din ng mga banyagang wika, na ang mga Bingi ay isang “linguistic-minority group” ang respetong dapat mapasakanila ay maibibigay na. Unti-unting tataas ang pagtingin sa kanila hanggang maging pantay na ito sa mga taong karamihan sa atin ay may palagay na ang mga Bingi ay may kapansanan.

Mabuhay ang Deaf Filipinos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: